EDSA 1, mahal na field trip at AFP night differential

BUKAS muling isasaisip at gugunitain ng sambayanang Filipino ang Pag-aalsang
EDSA.

Makaraan ang nasabing pag-aalsa, marami nang sumunod na bansa na tumulad nito.

Kabilang sa mga na-inspire sa EDSA Revolt ang East Timor.

Makaraang makalaya ang East Timor sa Indonesia, ipinakita ng mga taga-roon ang maalab na pakikipag-kapatiran sa atin.

At maliwanag na sinasabi nilang, naging huwaran nila ang EDSA 1 ng ating mahal na Pinas.

Panimulang deklarasyon natin, mga Bro.: Mabuhay ang Filipino.

IBANG BANSA MABABAGSIK

Pero yung ibang sumunod ay mababagsik ang nagiging kalagayan.

Tingnan naman ninyo kung paano umagos ang dugo sa Libya at ngayon sa Syria.

Daan-daan at libo ang pinapatay.

Katakot-takot tuloy na kamatayan at takot ang nararamdaman ng ating mga kababayan na matatagpuan sa Libya at Syria.

Sana naman hindi sila mapahamak. Pati ang ating pamahalaan ay nahihirapan sa pagsalo o pagtulong sa ating mga overseas Filipino worker sa nasabing mga bansa.

Sana naman, hindi na tayo magkaroon pa ng kalagayan na katulad noong umiiral ang batas militar.

Higit pa, sana hindi tayo makaranas ng gaya ng nararanasan ng Libya at Syria ukol sa karapatan ng mamamayan para sa mga pagbabagong panlipunan at pampulitika.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

MANLOLOKO SA CELLPHONE

Pakikalat o paki-publish po ang cellphone number na 09296794146. Nanloloko po ang mayroon nito at ipinanghihingi ng load. Salamat! +63912445….

CURFEW ANG KAILANGAN

Pakilagyan po ng curfew dito sa amin sa Pila-Pila, Binangonan, Rizal. Ito’y para matigil ang impluwensya ng droga at alak sa mga kabataan. Panawagan na rin po ito sa aming hepe ng pulisya at kapitan ng barangay. +63905732….

MANLOLOKONG AGENCY

Good am. Bakit ‘di po natin gawing mabigat ang hatol sa mga agency na manloloko para mag-isip naman sila bago magpahamak nang ating mga kababayan. Ibalik ang bitay laban sa mga agency. Thanks! +63905732….

WALANG PAG-IBIG, PHILHEALTH, SSS

Good pm po, sir. Guard po ako ng New Quenbe Security Agency. Pakikalampag nga po, sir, kasi yung  SSS, PAGIBIG Fund at Philhealth ay hindi inire-remit ng aming agency. Nagde-deduct sila lagi ng mga ito sa sahod namin  pero sa nakalipas na tatlong taon, pero bakit wala pa kaming nahahawakan na ID sa SSS, PAGIBIG at Philhealth. Thank you. +63928308….

DAYUHAN AT PINOY SA DROGA

Bakit kaya dito sa atin,  kapag nakahuli ang mga awtoridad ng dayuhang pusher, nakalalaya. Pero kung tayong mga Pinoy ay nahuhuli sa ibang bansa, tayo’y pinapatay.  +6391274….

ANTI-CORONA

Good day, Sir Benny.  Halata po na kakampi ni Gloria si Corona kasi po makapal ang mukha ni Corona. Bakit hindi pa siya magbitiw eh ayaw na sa kanya ng masang Filipino. Wala siyang delikadeza. +63919597….

ANTI-TUPAS, ANGARA, QUIMBO

Dapat sina Representatives Tupas, Angara at  Quimbo ang isalang sa paglilitis dahil yang mga tao na yan ang tunay na kawatan at hindi si Corona na tunay na nagseserbisyo sa bayan. Hindi naman TUWID na daan ang tinatahak ng mga ito kundi BALUKTOT na daan. +63920492….

FAN NI PACMAN

Good morning po, sir. Pakisabi po sa mga naghahangad na matalo si Pacquiao at nagsasabing naduduwag lang kaya ayaw labanan si Mayweather. Wala silang alam kundi manood lang at mag-masid at mag-suggest dahil ang totoo ay wala silang alam. Parang wala silang pinag-aralan. Onin po ng Bicol. +63923557….

KONTRA-PACMAN

Kung talagang karangalan ng bansa at mga Filipino ang hangad ni Pacman, dapat pumayag na siya sa 60/40 na hatian nila ni Mayweather. Gusto kasi nina Arum at Roach na lagi silang lamang sa laban. Gusto lagi nilang dehado sa timbang ang kalaban para madaling mapagod at mapabagsak +63908942….

REKLAMO VS FIELD TRIP

ultimatum, pakikalampag lang po ang pamunuan ng P.G. ELEMENTARY SCHOOL dito sa Cabanatuan City. Naniningil ng P850 kada estudyante papuntang Tagaytay. Hindi raw puwedeng hindi sumama at kahit hindi sumama napakalaki po noon sa tulad kong P150 lang kada araw ang kita. Thanks po. +63923695….

PAGONG NA LTO-PAMPANGA

Ang bagal ng proseso sa LTO rito sa Guagua, Pampanga. Simula pa noong October hanggang ngayon, hindi pa nailalabas ang rehistro ng sasakyan namin. Bayad na lahat, pati pangkape nila, naibigay. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Hindi namin magamit ang sasakyan namin sa malayong lugar. +63999719….

ISKAM SA NIGHT DIFFERENTIAL

Gd am po, thank you. Nabasa ko yung mga text ko sa inyo ukol sa diffential pay naming retirado sa iba’t ibang panig ng hukbong sandatahan. Tungkol sa ginagawang bombay style sa pagbigay. Noong December 28, 2011 ay ibinigay ang 4 months at 2 months pa ang natira. Kailan na naman kaya nila ibibigay ang 2 months na yan? Wala man lang general na retired na ipaglaban ang mga ganitong situation. Kasi kapag nag-retire na sila,  ipinupuwesto ulit para magtrabaho sa gobyerno. Pwe! +63921785….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply