E-jeepney unang aarangkada sa Makati

UNANG aarangkada ang electronic jeepney (e-jeepney) na papasada sa dalawang pangunahing lugar sa Makati City matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa nito na ilang taon ding nakabimbin.

Ayon kay Makati City Mayor Junjun Binay, ang kanilang lungsod ang kauna-unahang magkakaroon ng mga pampasaherong jeep na pinatatakbo ng baterya na makatutulong upang mabawasan ang pagbubuga ng maitim na usok na nagiging dahilan ng pagkasira ng kalikasan.

Sa inilunsad na programa kanina na tinaguriang “Green Pasada: Sakay Na!” na ginanap sa Glorietta 3 Park, sinabi ni Binay na plano nilang maparami pa ang e-jeepney sa lungsod upang maibsan ang mabigat na pasanin ng mga tsuper sa patuloy na paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang e-jeepney ay kayang tumakbo ng hanggang 70-kilometro kapag nakargahan ng walong oras ang baterya o 70-kilometro kada araw at katumbas lamang ng P2.30 ang magagastos kada kilometro.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng E-Jeemney Transport Corporation (EJTC) ang operator ng 21-unit na babaan ang singil sa pasahe ng mula P5 hanggang P6 sa kada apat na kilometro batay na rin sa rekomendasyon ng LTFRB.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply