Embahada ng Argentina nag-sorry na sa Pinas

NAG-SORRY na ang Embahada ng Argentina sa Pilipinas sa nangyaring kaguluhan matapos talunin ng Pinoy boxer na si Johnriel Casimero ang boksingerong sa Buenos Aires na si Luis Alberto Lazarte.

Sa ipinadalang mensahe ni Raul Hernandez, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA), nang araw na mangyari ang kaguluhan noong Pebrero 11 ay kaagad na humingi ng paumanhin ang Deputy Chief ng Ministry of Argentine Embassy sa Manila kaugnay sa nangyaring pagdumog sa grupo ng Pinoy boxer.

Sinabi ni Hernandez na tinawagan din kaagad nila ng pansin ang Ambassador ng Pilipinas sa Argentina na si Rey Carandang upang ipabatid ang labis nilang pag-aalala sa nangyaring kaguluhan at inaalam kung ano ang paliwanag at aksiyon ng pamahalaan ng Argentina hinggil dito.

Batay sa ipinadalang paliwanag ng embahada ng bansa sa Buenos Aires, tumagal lamang ng 10-minuto ang kaguluhan matapos ang mabilis na aksiyon ng kapulisan na nag-escort pa sa grupo ni Casimero patungo sa tinutuluyang hotel at tiyakin ang kanilang kaligtasan

Maging si Argentine boxer na si Lazarte, kasama ang promoter ay nagtungo rin sa hotel na tinutuluyan ng grupo ni Casimero upang personal na humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente.

Ginawa ng DFA ang paliwanag matapos hilingin ng Senado sa DFA na pabalikin na sa bansa si Carandang at ipatawag ang Ambassador ng Argentina sa Manila upang magpaliwanag kung bakit niyurak pati ang bandila ng bansa nang maganap ang insidente.

Hiniling din ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III na pagsabihan ang International Boxing Federation (IBF) na i-ban na ang lahat ng promoter ng Argentina na magtaguyod ng laban sa IBF.

Nilinaw naman ni Senator Loren Legarda, chair ng committee on foreign affairs na ang kanilang aksiyon ay hindi nangangahulugan ng pagputol sa umiiral na diplomatikong pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Argentina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply