Empleyadong tetestigo vs Corona hinarang ng SC

HINDI pinayagan ng Korte Suprema ang kanilang dalawang empleyado na tumestigo sa impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay SC Spokesman Midas Marquez, ito ang pasya ng hukuman at hindi nila i-waive ang kanilang judicial privilege.

Nauna nang nagbitiw ng pag-asam si Pangulong Benigno Aquino III na sana kahit ang court employees lang ay payagang humarap bilang testigo sa impeachment trial, makaraang una nang binawi ang pagpapaharap sana sa ilang justices.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply