Enrile idineklarang hearsay ang salaysay ni De Lima

IDINEKLARA na ni Presiding-Judge Juan Ponce Enrile na pawang “hearsay” lamang ang mga naging pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima sa impeachment court.

Nabatid na hindi batay sa personal na kabatiran ng testigo ang kanyang mga salaysay ukol sa sinasabing iregularidad sa desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalabas nito ng temporary restraining order (TRO) laban sa watchlist order na ikinasa ng Department of Justice laban kay dating Oangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ika-23 araw ng impeachment trial, napaamin si De Lima na wala siyang personal na kaalaman ukol sa naganap na deliberasyon ng Korte Suprema.

Sa kanyang pagtestigo, ibinase umano ni De Lima ang kanyang pahayag sa dissenting opinion ni Justice Maria Lourdes Sereno sa SC ruling, upang idikdik na inimpluwensyahan ni Chief Justice Renato Corona ang ibang mahistrado para ibasura ang kautusan ng DOJ laban kay Ginang Arroyo.

Naniniwala rin si Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago na pawang hearsay lamang ang mga naging salaysay ng Justice secretary.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply