Enrile nag-sorry kay Tupas

HUMINGI ng paumanhin si Senate President Juan Ponce Enrile kay Iloilo Rep. Neil Tupas dahil sa pagtaas ng kanyang boses nang pauwiin ang dalawang testigo ng prosecution sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

“I am sorry for my temperament yesterday. You people will learn a lot here as part of your training,” sabi ni Enrile kay Tupas nang magkasalubong ang dalawa sa isang daan patungo sa likurang bahagi ng Senado nitong Miyerkules (Pebrero 22) pagkatapos ng paglilitis.

Noong Martes (Pebrero 21), binatikos ni Enrile si Tupas nang humingi ito ng rekonsiderasyon sa naunang desisyon na pauwiin si Enrique Javier, vice president for sales ng Philippine Airlines, na dapat tetestigo sa nakukuhang libreng biyahe ng chief justice mula sa naturang kompanya saka pinagsabihan si Enrile na “technicalities cannot be permitted to prevail in such an important proceeding.”

Malugod naman na tinanggap ni Tupas ang paghingi ng paumanhin ni Enrile dahil naiitindihan naman nito ang kalagayan ng lider ng Senado na tumatayong presiding officer ng impeachment court.

“Walang problema naman doon kasi it’s natural for a person sometimes to have an outburst,” ayon kay Tupas. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply