Enrile tumaas ang blood pressure

TUMAAS ang blood pressure (BP) ni Senate President at Presiding Judge Juan Ponce Enrile.

Ito ang dahilan kaya’t hindi nagpa-interview ang Senador matapos ang kanilang caucus upang pag-usapan ang mga ihahaing ebidensiya ng prosekusyon.

Gayunman, ilang senador na rin ang nag-aalala sa kalusugan ni Enrile, partikular si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Nababahala ang marami kung kakayanin pa ng Senate President ang responsibilidad lalo’t kung magtatagal pa ang paglilitis. Si Enrile ay nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-88 kaarawan sa Pebrero 14.

Alinsunod sa impeachment rules, itinakda ang mga araw ng paglilitis mula Lunes hangang Huwebes simula 2:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

Batay sa mungkahi ng ilan ay gawin na lamang itong tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes upang may mga araw sa pagitan na maaaring magpahinga hindi lamang ang mga senador kundi maging ang prosekusyon at ang depensa.

Sa panig naman ng depensa, aminado si Atty. Serafin Cuevas na maging siya ay nakakaramdam na rin ng pagod at nangangailangan ng mahaba-habang pahinga.

Ipinaliwanag ng abogado na hindi natatapos ang kanilang trabaho sa adjournment ng trial bawat araw dahil kinagabihan hanggang madaling araw ay kailangan naman nilang pag-aralan ang mga ilalatag na ebidensiya ng prosecution panel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply