Erap dumalo sa ika-10 araw ng impeachment trial

DUMALO ngayon si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa ika-sampung araw ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Magugunita na noon ay humarap na rin sa ganitong paglilitis ang dating Pangulo.

Samantala, bago nagsimula ang pagdinig ay inihayag ni House Deputy Speaker Erin Tañada, isa sa mgas tagapagsalita ng prosekusyon na tatapusin nila ang pagbusisi at paglilitis sa Article 2 o ang ukol sa diumano’y “non declaration of statement of assets and liabilities and net worth (SALN)” ni Chief Justice Renato Corona.

Tiniyak ni Tañada na bagama’t nabalam ng konti ang pagharap ng dalawang testigo ay sinigurong maihahabol pa rin nila ang mga ito.

Samantala, hindi naman matantiya ng kampo ng depensa kung gaano ang itatagal ng kanilang cross examination sa mga testigo.

Sakaling matapos bukas ang Article 2 ay sunod na tatalakayin naman ang Article 3 o ang pagkuwestyon sa integridad at independence ng punong mahistrado.

Naunang inihayag ng prosekusyon na aabot sa 98 ang testigong ihaharap sa paglilitis upang madiin si Corona sa walong reklamo na nakapaloob sa Articles of Impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply