3 milyon INC dadagsa sa evangelical mission

MISMONG si Manila Mayor Alfredo Lim ang nagkumpirmang aabot sa 3 milyon miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang dadagsa sa Quirino grandstand para sa isasagawang evangelical mission mamayang 5 ng hapon.

Dahil dito, libong miyembro rin ng kapulisan ang kanyang ipinakilos sa lungsod kabilang ang 11 precincts, kasama na ang Manila Police District (MPD) at NCRPO na nasa 500, maging ang PCG para sa seguridad ng nasabing sekta.

Ayon naman kay PNP spokesman C/Supt. Agrimero Cruz Jr., maliban sa ikinalat na PNP personnel ay  naka-deploy din sa paligid ng Quirino grandstand  ang puwersa ng NCR Command.

Ipinaubaya naman ng PNP sa communication companies ang signal disruption o pagputol ng signal sa lugar na una na nilang inirekomenda.

Sa mga oras na ito nasa mahigit 30,000 katao na ang dumating sa venue batay sa estimated crowd ng MPD.

Una nang kinumpirma ng INC na dadalo sa pagtitipon sina  Chief Justice Renato Corona at dating NBI director Magtanggol Gatdula  bagamat wala pang kumpirmasyon sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply