Ex-Gapan mayor ipinaaaresto na ng korte

INIUTOS na ni Manila Regional Trial Court Branch 8 Judge Felixberto Olalia ang pagdakip kay dating Gapan Mayor Ernesto Natividad  kaugnay sa kinakaharap na kasong multiple murder sa pagmasaker sa magkapatid na Ericson at Ebertson Pascual, kasama ang tatlong iba pa sa isang sabungan sa Nueva Ecija noong 2006.

Si Natividad ay hindi binigyan ng pagkakataon ng hukom na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kanyang kaso.

Naipakalat na rin sa tanggapan ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies ang kopya ng warrant of arrest.

Una na ring nagpalabas ng P1 milyon pabuya ang pamilya Pascual sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Natividad.

Batay sa record, bukod sa magkapatid na Pascual, tatlong iba pa ang napatay sa loob ng sabungan na pag-aari ng mga biktima sa Gapan, Nueva Ecija noong March 20, 2006.

Naniniwala ang kapatid ng mga biktima na si Emeng na si Natividad na noon ay alkalde ang nasa likod ng krimen.

Bukod kay Natividad, dawit din sa krimen ang kanyang kapatid na si Roberto at ang sinasabing hired killer na si Ricardo Peralta.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply