Nobya, nanay inutas ng nag-amok na seaman

PATAY ang isang babae at nanay nito nang pagsasaksakin ng nag0-amok na seaman sa Isabela.

Namatay sanhi ng mga saksak sa katawan sina Lita at Catherine Galamay, ng Midtown Village, Paddad, Alicia, Isabela.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ave Astacio, ng Barangay Dos, Solano, Nueva Vizcaya.

Nabatid na kararating lamang mula sa ibang bansa ni Astacio bilang seaman nang malamang ikakasal na sa ibang lalaki ang nobyang si Catherine dahilan para kanyang komprontahin maging ang mga magulang nito.

Nang makumpirmang totoong ikakasal na sa iba ang babae ay labis iyong ikinagalit ng suspek dahilan para kumuha ng patalim at pagsasaksakin ang dalawa.

Lumalabas na lalo pang ikinagalit ng suspek nang malamang ang kanyang ipinundar na bahay at mga ari-arian para sa pamilya Galamay ay mapakikinabangan lang ng pakakasalan ng nobya.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply