Ex-Sen. Herrera nasa ‘hot water’ dahil sa maling paggamit ng pondo TUCP

MAHAHARAP sa patong-patong na kasong kriminal si dating Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Secretary-General Ernesto Herrera sakaling matapos na ang isinasagawang audit sa mga proyekto ng TUCP kaugnay sa mga alegasyon na inilagay sa personal bank account ng dating dating opisyal ang pondo ng TUCP.

“Mr. Herrera will have a day of reckoning where he will be held accountable for serious allegations of siphoning funds allegedly into his personal bank account when he was still a leader of TUCP,” ayon kay Alan Tanjusay,TUCP Advocacy Officer.

Ito’y matapos madiskubre external auditors sa kanilang ng audit sa mga proyekto ng TUCP at lumabas na lumabag umano si Herrera sa accounting rules and standards at ginamit ang posisyon niya bilang dating General Secretary.

Batay sa isinumiteng affidavit ni dating TUCP Finance Officer Eve Legion, inutusan aniya siya noon ng dating senador na maglabas ng vouchers, withdrawal slips at mga tseke para siya makapag- cash advance.

Nilinaw ni Legion na hindi na-liquidate ang mga nasabing cash advances at hindi man lang naireport kung saan ginastos ang nakuhang pera.

Ang masama pa aniya, ay mismong siya pa (Herrera) ang nakapirma sa mga nasabing tseke bilang signatory na mali aniya sa alituntunin ng accounting, auditing at Internal control system.

Lumabas sa audit report na umabot sa P2.5 milyon halaga ang nakuhang cash advance umano ni Herrera na ilalaan umano sa isang proyekto.

Sa isang panayam, mariing itinanggi dating Sen. Herrera ang mga paratang laban sa kanya at nakahanda umano siyang harapin ang kaso na maisasampa laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply