Ex-vice mayor sa Ilocos Sur binoga, patay

NASAWI ang dating vice mayor at negosyanteng si Anthony “Tony boy” Que ng Sto, Domingo, Ilocos Sur makaraang barilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Poblacion Norte, San Ildefonso, Ilocos Sur.

Nabatid na hindi na umabot sa pagamutan si Tony boy dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo, likod, at leeg mula sa kalibre .45 at 9mm pistol.

Ayon sa ulat ni S/Insp. Jose Abaya, ng PNP-San Ildefonso, nag-uusap sina Que at nagngangalang Arlene Tubon sa likuran ng Recel Apartment nang bigla na lamang itong binaril ng mga suspek.

Kasalukuyan naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pangyayari.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply