Exotic food sa restaurant ipinagbabawal na

BINALAAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga restaurant owners na kakasuhan kapag nahuling nagbebenta ng mga exotic foods.

Ayon kay DENR Regional Technical Director Dona Gordove, seryoso aniya ang pamahalaan na pangalagaan ang mga exotic animals kung kayat isinasailalim na nila sa surveillance ang mga restaurant na nagtitinda ng ganitong uri ng pagkain.

Aniya, nakaalarma na ang pagkatay sa mga exotic animal dahil pinapangalagaan ang Wildlife Resources para mapanatiling balanse ang ecosystem.

Kamakailan lamang ay sinampahan ng DENR at NBI sa Pasay Prosecutors Office ang Filipino-Chinese na may ari ng Hingyak Delicious Seafood Restaurant sa Pasay City na nakumpiskahan ng mahigit apat na kilong snake skin, snake meat, at karne ng mga soft shelled turtles. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply