Factory worker binurdahan ng magpipinsan

SINAMPAL bago pinagtulungang saksakin ng apat na magpipinsan ang isang factory worker makaraang magtalu-talo ang mga ito sa kanilang tinutuluyang apartment sa Valenzuela City kagabi (Pebrero 19).

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si George Lause, 28 ng Doña Elena St., Punturin ng lungsod.

Nadakip naman ang tatlo sa apat na magpipinsan na sina Joselito Lamarca, 21; Gilbert Abad, 26 at Rian Illes, 21, habang hindi naman nakuha ang pangalan ng nakatakas.

Base sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi, pababa ng hagdan ang biktima sa loob ng nasabing apartment nang salubungin ng sampal ni Joselito.

Lalaban sana ang biktma subalit kinuyog na siya ng saksak ng mga suspek bago nagsitakas habang dinala naman ang una sa nasabing pagamutan.

Sa isinagawang follow-up operation, ay nadakip ang tatlo habang nakatakas ang isa pa.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply