Family ni Grace Lee tanggap na si PNoy?

SINABI ng Korean TV host/disk jockey na si Grace Lee na medyo natatanggap o adjusted na ang kanyang pamilya sa kanyang pagkaka-ugnay kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Sa isang interview sa telebisyon, sinabi ni Grace Lee na noong umpisa (maglabasan ang isyu sa kanila ni PNoy) ay nababahala ang kanyang pamilya, partikular ang kanyng ina sa atensyong ibinibigay ngayon sa kanya ng publiko dahil nga sa pagkaka-link o sa friendship nila ngayon ng Pangulong Noynoy.

Sinabi rin ni Lee sa isang panayam na ngayon ay unti-unti nang natatanggap ng kanyang pamilya ang “lumalalim” na pagkakaibigan nila ng Pangulo at unti-unting nabubura ang alinlangan.

Ayon pa kay Grace, ini-enjoy niya “mutual trust” nila ni Pangulo Noy.

Tiwala aniya si PNoy na kaya niyang i-handle kahit na kanino pa siya pumayag na magpa-interview.

“I think he trusts that I will handle it properly. He gives me my space and he respects me the way I respect him and I think there’s that mutual trust.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply