Fans ni Lin binara si Mayweather

MARAHIL ay napapahiya na si boxer Floyd Mayweather matapos nitong kutyain si Asian sensation Jeremy Lin dahil nababalitang maglalaro ang huli sa Rising Star Challenge na gaganapin sa Pebrero 24.

Naglalaro sa New York Knicks si Lin kung saan ay malaki mang ginampanang tungkulin nito sa pitong sunod na panalo nila.

Nagposte ng komento si Mayweather sa kanyang twitter account na sinasabing kaya napapansin ang bagong star player ng Knicks na si Lin ay dahil sa kanyang lahi.

Pagkatapos ng komento ay nagpakitang gilas agad si Lin laban sa Toronto Raptors kung saan ay binuslo nito ang winning triple sa harap mismo ng kanyang bantay.

Sa sumunod na game ay muling pinatunayan ni Lin ang husay nito ng magtala naman siya ng career-high 13 assists laban sa Kings.

Kinampihan pa ni director Spike Lee masugid na panatiko ng team New York si Lin at binara nito si Mayweather maging ang mga American fans ng Asyano ay pinutakte rin ng kritisismo ang boksingero.

Hindi naman humingi ng paumanhin si Mayweather dahil anya ay sinusuportahan nito ang kapwa black Americans.

Ikinatuwa naman ni former NBA star Charles Barkley ang pagsama ng organizers kay Lin sa team.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply