Fariñas binatikos ng mga senador

BINATIKOS ng ilang senator-judges si Congressman Rodolfo Fariñas sa kanyang mga sinabi na magkaisa ang Senado at Kamara at kalaban ng mga ito si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senator-Judge Pia Cayetano, hindi niya mapapayagan na sama-sama ang Kongreso laban kanino man dahil may kanya-kanya silang panuntunan.

Dagdag pa ng senadora, hindi magkasama ang Senado at Kamara para kalabanin ang punong mahistrado dahil ang layunin nila sa isinasagawang paglilitis ay lumabas ang katotohanan.

Samantala, agad namang humingi ng paumanhin ang kongresista sa kanyang mga sinabi o naging pahayag.

Maging ang paggamit ng kongresista ng halimbawa kay Senador Ramon Revilla Jr., na posibleng matanggal kung magiging magulo sa Senado.

Tinanggap naman ni Revilla ang paumanhin ni Fariñas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply