Farinas nag-sorry sa paraan ng pagtatanong

SA IKA-14 na araw ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona sa Senado ay unang tumayo sa panig ng prosekusyon si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas.

Ito ay upang personal na humingi ng paumanhin kaugnay sa kanyang naging pahayag sa plenaryo at paghahalimbawa kay si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Kinilala ni Farinas ang kanyang paggalang sa mga senador at kung nabanggit man niya si Revilla bilang halimbawa ay nais niya lamang ipagdiinan na kapag binotohan ng 16 na senador ang sinumang impeachable officials gaya ng president, bise president, Supreme Court chief justice at mga senador ay talagang matatanggal.

“Humingi po ako ng pahintulot kung ang aking istilo ng pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi maganda ang dating, ako po ay lubos na gumagalang sa Pangulo ng Senado at sa mga miyembro,” ayon kay Farinas.

Binasa rin ni Farinas ang transcript ng paglilitis kahapon (Pebrero 7), na ayon sa kanya ay halimbawa lamang ngunit wala sa intensyon niya na sabihing totoong magulo si Revilla.

Agad namang tumayo at nag-reat si Revilla sa plenaryo at inaming nasaktan siya sa pahayag ni Farinas.

“Nasaktan lang ako, Mr. congressman matagal nating iniingatan ang pangalan natin, pero igalang ninyo ang bawat isa sa amin,”wika ni Sen. Revilla.

Nang pansamantalang suspendihin ang paglilitis ay nilapitan ni Farinas si Revilla at nagkamay ang dalawang mambabatas maging ang ibang senador ay nilapitan ni Farinas upang personal na humingi ng paumanhin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply