FASAP pres. Anduiza isinalang sa cross examination

ISINALANG muli sa witness stand ang testigo ng prosekusyon na si Flight Attendants’ and Stewards’ Association of the Philippines (FASAP) president Roberto Anduiza para sa cross examination.

Unang nagtanong sa FASAP president ay si dating Justice Serafin Cuevas.

Iginiit ni Cuevas na hindi sumasagot sa nauukol na tanong ang testigo ng prosekusyon.

Muli namang pinaalalahanan ni Senate President Juan Ponce Enrile si Anduiza ukol sa tamang pagsagot sa mga tanong ng abogado ng depensa.

Sa pagtestigo ni Anduiza, inamin nito na sumulat din sila sa Korte Suprema, gaya nang ginawa ng kalaban sa kaso.

Matatandaan na sinabi kahapon (Pebrero 7) ni Anduiza na sumulat si Atty. Estelito Mendoza, ang abogado ng Philippine Airlines (PAL) sa kataas-taasang hukuman.

Ani Anduiza, nainip na sa kaso ang mga miyembro ng FASAP kaya lumiham ang mga ito sa hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply