Feb. 14 SC resolution inupakan ng prosekusyon

MATINDING inupakan ng House Prosecution Panel ang Supreme Court sa ipinalabas na resolusyon noong February 14 na nagbabawal sa lahat ng hukom at empleyado ng Mataas na Hukuman na tumestigo sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

“Tawag namin dito, Valentine Day massacre of truth,” ayon kay Quezon Rep. Erin Tanada.

Ayon kay Tanada, malinaw na isa lamang itong malaswang pagtatangka na pagtakpan ang katotohanan sa likod ng pagpapalabas ng kautusan mula sa Korte Suprema noong nakaraang taon na pumapayag na makalayas si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at makatakas sa prosekusyon.

“This latest Supreme Court ruling was clearly part of the conspiracy to conceal the truth behind the TRO favoring the former president,” ayon kayTanada.

Sinabi pa ni Tanada na patunay lamang na pinatay ng Korte Suprema ang pamamaraan upang mahanap ang katotohanan nang ipalabas ang kontrobersiyal na resolusyon.

“Majority of the Supreme Court justices barricaded the truth the same way they did with the resolution on not releasing SALN some decades back,” ayon kayTanada na tumutukoy sa 1989 resolusyon na hinihigpitan ang regulasyon sa pagpapalabas ng SALN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply