Fejodap humihirit ng dagdag sa pasahe

MARIING tinanggihan ng transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) ang ikakasang serye ng transport strike sa bansa.

Ayon kay  Fejodap President Zenaida Maranan, ang ikakasang tigil-pasada ay bunsod na rin ng walang prenong pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Bagaman hindi sila lalahok sa mga kilos-protesta, kasama ang 1-Utak sa ihihirit nilang 50-centavo provisional increase sa kasalukuyang pamasahe.

Binatikos din nito ang pamahalaan sa ibinibigay nitong subsidiya sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Maranan, tagapangulo ng Fejodap, pansamantala lamang ang pantawid pasada ng pamahalaan kaya’t iginigiit nila ang pagbabalik sa 8.50 na halaga ng pamasahe.

Idagdag na rin daw ang talamak na pangongotong ng ilang mga kawani ng pamahalaan na siyang lalong nagpapahirap sa sitwasyon ng mga pobreng tsuper. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply