Female status sa mga bading bawal – Senado

HINDI pinayagan ng Senado ang panukalang maging “female” ang isang bading na nagpa-sex change sa kanyang kasarian base sa panukalang batas na aprubado sa committee level.

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpaparehistro ng pagpapalit ng kasarian o sex ng isang tao kung ito ay isinakatuparan sa pamamagitan ng sex change o sex transplant.

Ayon sa report ng Senate committee on justice and human rights base sa mga panukalang batas na inihain nina Sens. Francis “Chiz” Escudero at Antonio Trillanes IV, pinapayagan na ang pagwawasto ng buwan at araw ng kapanganakan at kasarian kung ito ay bunga lamang ng clerical o typographical error.

Ang clerical o typographical error, base sa panukalang batas ay yaong pagkakamali sa typing, copying, transcribing o typing ng entry sa civil registrar na nagresulta ng maling pangalan, maling place of birth, maling araw at buwan ng kapanganakan at kasarian ng isang tao, kahit kitang-kita sa mata ng tao ang tunay na kasarian.

Hindi na nila kailangan pang dumaan sa korte para maisakatuparan ito dahil sa maaari nang gawin ng city o municipal registrar o ng consul-general kung nasa ibang bansa.

Hinahayaan na rin ang pagpapalit ng first name o nick name pero hindi kasama rito ang pagpapalit ng kasarian ng isang tao dahil sa isinagawang operasyon.

“No petition for correction of erroneous entry concerning the date of birth or the sex of a person shall be entertained except if the petition is accomplished by earliest school record or earliest school documents such as, but not limited to, medical records, baptismal certificate and other documents issued by religious authorities; nor shall any entry involving change of gender corrected except if the petition is accompanied by a certification issued by an accredited government physician attesting to the fact that the petitioner has not undergone sex change or sex transplant,” paliwanag sa panukalang batas na inihanda ni Escudero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply