Ferry lumubog sa Pacific Ocean, 100 pasahero nawawala

MAHIGIT 100 pasahero na karamiha’y mga estudyante ang nawawala makaraang lumubog ang sinasakyang ferry sa Pacific Ocean sa Papua New Guinea (PNG).

Nabatid na 238 survivors na ang nakuha ng joint rescue operation ng PNG at Australia mula sa lumubog na MV Rabaul Queen.

Ayon sa Rabaul Shipping, may-ari ng ferry na naka-base sa PNG, nawalan sila ng contact sa MV Rabaul Queen habang naglalayag sa pagitan ng Kimbe at Lae kahapon ng madaling-araw.

sinasabing sakay ng ferry ang 350 pasahero at 12 crew na pawang PNG locals, karamihang mga estudyante ng Lae.

itinuturong ang sama ng panahon ang dahilan ng paglubog ng ferry.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply