Fetus na iginarapon natagpuan sa QC

ISANG fetus ang natagpuan na nakasilid sa isang garapon sa Barangay Batasan Hills, Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan Hills dakong 9:30 ng umaga nang makita ang fetus na itinapon malapit sa No. 8 Kalusugan St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Sinabi ni PO1 Jayson Tolentino, desk officer, natagpuan ang naturang fetus ng mga barangay tanod ng nasabing barangay.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Quezon City Police District para matukoy kung sino ang nag-iwan sa naturang fetus sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply