FG ilalaban si GMA hanggang sa huli

MARIING nanindigan ngayon si dating First Gentleman Mike Arroyo na kanilang ilalaban hanggang sa huli ang pagiging inosente ng kanyang asawang si dating Pangulo at ngayo’y  Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kinakaharap nitong kasong electoral sabotage.

Ayon kay G. Arroyo, pilit nilang sinusunod ang lahat ng proseso kahit pa marami sa kanilang karapatan ang nalalabag dahil sa walang basehang kaso.

Binigyang diin nito na tiwala siyang mababasura lamang ang kaso laban sa dating Pangulo dahil sa normal lamang  ang 12-0 na kampanya nito noon para sa mga kapartidong senatoriable.

Nagparunggit naman ang kampo ni dating Gng. Arroyo kay Comelec Chairman Sixto Brillantes sa tila mahiwagang pagpapalit ng pasya hinggil sa petsa ng pagbasa ng sakdal sa dating Pangulo.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio naniniwala silang acquittal ang kahahantungan ng kasong electoral sabotage na isinampa laban kay Gng. Arroyo dahil wala namang basehan ang mga ebidensyang ipinakita sa hukuman. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply