Fire prevention campaign mas pinaigting ng BFP
BILANG obserbasyon sa Fire Prevention Month na magsisimula sa Marso 1 na may temang ”Makiisa, Makialam, at Makipagtulungan Upang Sunog ay Maiwasan,” sinimulan ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region ang pinaigting nilang kampanya para sa pag-iingat sa mga sunog sa bawat komunidad lalo na ngayong mas tumitindi ang init ng panahon.
“Everyday must be fire prevention day. BFP- NCR is doing its best to prevent fire through the pro- active approach of the community,” ayon kay Chief Superintendent Santiago E. Laguna.
Magsasagawa ng motorcade ang BFP-NCR sa buong Metro Manila para manawagan sa publiko ng suporta sa mga programa ng BFP.
Mamamahagi ng leaflets ang BFP sa publiko upang paalalahanan sila ukol sa fire safety and prevention.
Maglulunsad din ang BFP-NCR ng fire prevention activities sa pamamagitan ng information and dissemination campaign sa iba’t ibang mga eskuwelahan at mga barangay at magkakaroon din sila ng Barangay Fire Olympics at BFP-NCR Fire Olympics.
Lumilitaw sa record ng BFP na sa Metro Manila pa lamang ay umabot na sa 556 ang sunog mula noong March 2010 at nagkakahalaga ng P51,777,900.00 habang umabot naman sa 381 ang sunog na naitala noong March 2011 na umabot sa halagang P37,624,560.00 ang pinsala kung saan pangunahing pinagsimulan ng sunog sa mga ito ay galing sa electrical short circuits.
Bagamat nabawasan aniya ng halos 31% ang fire incidence, pinaalalahanan pa rin ng BFP-NCR ang publiko na tulungan sila sa kampanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety precautions na kanilang ipinaiiral. Alex Ching
You must be logged in to post a comment Login