Fire truck: P1M, P9M, P20M

PAINIT na nang painit ang panahon kahit pa may mga pag-ulan.

Dahil dito, asahan na natin ang madalas na pagkakaroon ng sunog kahit saan mula Batanes hanggang Tawi-Tawi.

Ang tanong: nasaan ang mga fire truck ng mga bumbero?

Ayon sa Bureau of Fire Department, ang Department of Interior and Local Government lalo na, may kakulangan na 1,600 na fire truck ang repablik ni Juan.

Aba, pupuwede yan.

Kasi naman, may mahigit na 1,500 na munisipyo at marami sa mga ito ang walang fire truck.

Iba pa ang mga lungsod at lalawigan na ang iba ay mga wala pang fire truck sa mga ito.

Kung meron man, dispalinghado o sira at kulang na lang na ipakilo sa mga junk shop.

oOo

Bago mag-Pasko nitong nakaraang taon, umusok at umapoy ang kontrobersya sa plano ng DILG na bumili ng 76 na fire truck.

Ngunit imported ang gusto nito at nagkakahalaga ang bawat isa ng P20 milyon.

Dito umangal ang mga lokal na gumagawa ng fire truck na P9M lang ang presyo kada yunit.

Nakapagtataka umanong mas gusto ng DILG ang mag-import kaysa bumili ng lokal.

Kung ano ang kinahinatnan ng kontrobersiyang ito ay hindi natin alam.

Basta tahimik ang lahat diyan sa DILG at BFP dito.

At umaasa na lang ang mga diyaske sa sipag at galing ng fire volunteer na karaniwang binubuo ng mga kapatid na Tsinoy at mga barangay.

oOo

Dito na rin natin naalaala ang alok ng mga fire volunteer sa atin na fire truck.

Sabi nila, sa P1M, meron ka na nito at kumpleto ito sa gamit para sa  lima hanggang anim na bumbero.

Kung bibili pala tayo ng 1,000 na fire truck, sobra pa ang P1.3 bilyon na gustong gastusin ng DILG para sa 76 na yunit lamang.

PNoy, pakibantayan ang kalokohan sa DILG.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply