Fixer sa LTO laglag sa NBI

LAGLAG sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang insurance agent at umano’y fixer ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagre-recruit nito ng mga nais maging traffic enforcer.

Kinilala ng NBI-Sargen Office ang suspek na si Mario Mahinay.

Si Mahinay ay inaresto matapos itong mabuking sa kanyang iligal na gawain kung saan nag-aalok umano ito ng trabaho bilang traffic enforcer sa LTO Region 12.

Ayon kay Engr. Idiamin Abutazil, hepe ng Land Transportation Office (LTO) Alabel, Sarangani province, halagang P5,000 hanggang P10,000 ang hinihingi ng suspek sa mga aplikante na nais mag-aply sa nasabing posisyon.

Nilinaw naman ni Abutazil na walang kinalaman ang LTO sa modus operandi ni Mahinay at ginagamit lamang itong dahilan para magkapera.

Inihahanda naman ang kasong isasampa ng LTO laban sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply