Flashfloods, landslides nagbabanta sa VisMin

NAGBABANTA ng flashfloods at landslides ang buntot ng isang cold front sa pitong lugar sa Visayas at Mindanao, sa ulat ngayon ng state weather forecasters.

Sa kanilang 10:30 a.m. advisory, pinaalalahanan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente na maging handa at alerto sa pagtaas ng baha at pagguho ng lupa.

“Inaabisuhan natin ang kababayan sa probinsyang ito na asahan po ang maulan na panahon at mag-ingat sa posibleng pagbaha,” pahayag ni PAGASA forecaster Nikos Peñaranda.

Sinabi ng PAGASA na ang tail-end of a cold ay magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat  sa Visayas at Mindanao.

Ang mga lugar na makararanas nito ay kabilang ang Leyte provinces, Bohol, Siquijor, Surigao provinces, Agusan provinces, Misamis Oriental at- Bukidnon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply