Flour millers uusisain ng DTI

UUSISAIN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga flour millers dahil hindi nito maibaba ang produktong harina.

Kinukuwestyon din ng DTI kung bakit nananatiling mataas ang produkto ng tinapay kahit mababa ang trigo sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Philippine Association of Supermarkets Incorporated Secretary General Federico Ples, sa halip na bumaba ang presyo ng tinapay ay ilang brand pa ang nagtaas ng piso sa kanilang loaf bread habang piso rin ang itinaas ng 20 pirasong pandesal.

Dahil dito, iginiit ng DTI na dapat ibaba sa P840 hanggang P920 ang kada sako ng harina mula sa P880 hanggang P960 upang bumaba rin ang presyo ng tinapay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply