FOI bill hindi certified as urgent

Kahit nagbigay ang Malakanyang ng kanilang bersyon sa Freedom of Information (FOI) bill na nagtatanggal pa ng ilang probisyon na nakapaloob sa nakabinbing panukala sa Kamara ay hindi naman ito certified as urgent ng administrasyong Aquino.

Ito ang pahayag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, principal author ng isa sa mga nakabinbing FOI bills sa Kamara.

“What is really significant in the Palace version is it’s watering down of the FOI by including a long list of 16 exceptions to include records of minutes and advice given and opinions expressed during decision-making or policy formulation, invoked by the Chief Executive to be privileged,” ani Casiño.

Ayon sa solon nakasaad sa House version ang lahat ng mga impormasyon ay puwede lamang mailabas sa sandaling mapatunayan sa korte na hindi ito gagamitin sa anumang kriminal na aksyon samantalang ang bersyon ng Palasyo ay may 16 exceptions upang tanggihan ang pagbigay ng impormasyon sa sinuman.

Magkagayunpaman,  ayon sa mambabatas ay  tumagal  na  sa isang  taon ang  pagkakabinbin ng FOI bill sa Kamara,

Sumigla  lamang  ang  pagkilos ng  Palasyo para  sa FOI bill  nang  magkaroon ng  media  hype   tungkol sa  mga usaping SALN sa ginaganap na impeachment proceedings na sa kalaunan ay maaring mabaon din sa limot.

“This draft, which Congress waited for one year and seven months, is a mere rehash of existing bills and in fact a watering down of those bills. Worse, they sent this with so much media hype but nowhere is the FOI bill in the LEDAC list of priority measures. Ni hindi nga certified as urgent,” dagdag pa ng solon. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply