FOI ni PNoy pakitang tao lang- Casiño

PAKITANG-TAO lang ng administrasyong Aquino ang pagpabor nito na tuluyan nang maisabatas ang Freedom of Information bill.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na “publicity stunt” lamang ng pamahalaang Aquino ang pagbibigay ng “go signal” upang maisabatas ang FOI upang maitago sa publiko na hindi naman talaga ito napapabilang sa priority measures ni Pangulo Benigno “PNoy” Aquino III..

Iginiit ng mambabatas na mayroon nang maayos at superior na bersyon ng FOI sa committee level sa Kamara at hindi na nila kailangan ng iba pang bersyon mula sa Malakanyang.

Ang kailangan nila aniya ay political will at suporta mula kay Pangulong Aquino o kay Speaker Sonny Belmonte na maipasa ang panukala at maging ganap na batas ito.

Una nang ipinadala ni Aquino sa Kongreso ang sariling bersyon ng FOI kahapon (Huwebes, Pebrero 2) lamang.

Ikinatuwa naman ni House Deputy Speaker Erin Tañada ang pahayag ni Pangulong Aquino na maisabatas ang FOI sa lalong madaling panahon.

“I thank the Malacañang study group for using my bill as template in proposing refinements on the measure,” ayon sa kongresista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply