Ford Escape sumiklab sa Quezon City

NAGLIYAB ang isang SUV sa bahagi ng Kamias Road kanto ng Kalayaan Avenue sa Quezon City kaninang hapon.

Nabatid kay SFO2 Fortunato Alde arson investigator ng Bureau of Fire Protection, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa kanto ng Kamias Road,at Kalayaan Avenue, QC.

Ayon sa driver ng Ford Escape (XPW 861) na si Ariel David, kinuha niya sa isang talyer sa Marikina City ang nasabing sasakyan at ihahatid sana sa bahay ng may-ari na si Dr. Richard Inocencio sa Tomas Morato, nang bigla na lamang umusok at umapoy ang harapan ng sasakyan.

Dito na umano bumaba ang driver mula sa SUV at mabilis namang dumating ang mga bumbero kaya naagapan agad ang sunog.

Ayon naman kay arson investigator SFO2 Alde, posibleng sa wiring ng sasakyan nagsimula ang apoy.

Wala namang nasugatan sa nasabing insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply