Foreign currency deposit law ipinarerepaso

IPINAREREPASO ni Senador Ralph Recto sa Senado ang foreign currency deposit law makaraang magpalabas ng TRO ang Supreme Court kaugnay sa isinasagawang pagbusisi sa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang nais nig senador matapos na tumanggi si Philippine savings Bank (PSBank) president Pascual Garcia na isiwalat sa impeachment court ang nilalaman ng sampung dollar accounts ni Corona dahil sa posibleng parusa na kanyang kakaharapin sa ilalim ng Republic Act 6426 o foreign currency deposit law.

Sa Senate resolution bilang 711, inaatasan ni Recto ang committee on banks, financial institution and currencies na magsagawa ng imbestigasyon sa isyu ng bank secrecy law.

Ayon kay recto, chairman ng ways and means committee, dapat marebyu ng husto ang mga batas sa foreign currency deposit units at bank secrecy para makatugma ito sa pagbabago ng panahon at ng mga krimen sa lipunan.

Inamin ni Recto na may mga negosyante siyang nakakausap ang nababahala sa pagbubukas ng dollar accounts na umano’y magdudulot ng pagkasira ng kumpiyansa sa banking system at posibleng paglayas ng mga kapital sa bansa.

Nilinaw naman ni Recto na ang pagrepaso ng Senado ay hindi naglalayong tanggalan ng pangil ang batas kundi upang tiyakin na walang sinuman ang masasagasaan kung walang kasalanan at maiwasan ang special treatment sa mga nagtatago sa batas.

Kaugnay nito, ikinagulat ng prosecution team ang nadiskubreng secret bank account ni Corona na may P12 milyon na ending balance as of december 2010.

Ayon kay Cong. Erin Tanada, spokesman ng prosecution panel, kung isasama ang P12 milyon checking account sa BPI Ayala branch at ang P19.7 milyon sa PSBank ay aabot sa P31.7 milyon ang kabuuang undeclared bank deposits ni Corona sa kanyang 2010 SALN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply