Foreigners mas gustong mag-retiro sa Pilipinas

DAHIL sa mga natatanging lugar-pasyalan, murang gastusin sa paninirahan, at magandang oportunidad para mag-negosyo, mas pinili ng mahigit sa 20,000 dayuhan na magretiro sa Pilipinas kaysa sa kanilang bansa, ayon sa pahayag ng Philippine Retirement Authority (PRA).

Ayon kay PRA General Manager Veredigno Atienza, ang bentahe ng Pilipinas sa larangan ng kalusugan at edukasyon ang nagbunsod sa mga retirado na gawin ang Maynila bilang ‘ideal retirement destination,’ kasama  ang kanilang mga mahal sa buhay.

Partikular na nagustuhan ng mga dayuhang retirado ay ang pagiging bukas ng Pilipinas para sa pagtatayo ng negosyo, mga mahuhusay na pasilidad pang-gamutan at mataas na kalidad ng edukasyon.

Noong 2011, umabot sa 25,000 dayuhang retirado ang kumuha ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRP) na ibinibigay ng PRA sa tulong ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Pinangunahan ito ng mga retirado mula sa bansang China, South, Korea, Taiwan, Japan, at United States.

Ayon pa kay Atienza, aktibo nilang itataguyod ang SRRP hindi lamang sa mga dayuhang magre-retiro, kundi maging sa mga dating kababayan na gusto nang mamalagi sa Pilipinas, matapos ang halos ilang dekadang pagtra-trabaho sa ibang bansa.

Kabilang sa mga benepisyong tatanggapin ng SRRP holders ay ang paglabas-masok sa Pilipinas nang walang binabayarang entry at exit permit, pagbabayad ng buwis mula sa tinatanggap na pension, pagbabayad ng annual report at Alien Registraton Certificate Identity Card (ACR I-Card) sa Bureau of Immigration, pagbabayad ng customs duties sa mga ipapasok na personal na kagamitan sa halagang US$7,000.

Makakatulong din ang PRA sa pag-aasikaso ng mga batayang dokumento mula sa ibang sangay ng pamahalaan tulad ng alien employment permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), driver’s license, tax exemption at extension certificate at tax identification number mula naman sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Hinikayat din ni Atenza ang mga retirado at dating Pilipino na bisitahin ang kanilang website na www.pra.gov.ph upang alamin ang mga kinakailangang dokumento para sa aplikasyon sa SRRP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply