Fortified foods hinimok na ipakain sa mga bata

HINIMOK ngayon ng City at Municipal Nutrition Officers sa lalawigan ng Zamboanga del Norte sa lahat ng mga in na ugaliing pakainin ang mga bata ng mga fortified food.

Ang panawagan ay matapos maalarma sa resulta ng National Nutrition Survey na ginawa ng Food and Nutrition Institute ng Department of Science and Technology (DOST) na nagpapakita ng 32.4% ng mga kabataan na may edad 5-10 taong gulang ay underweight at 33.9% ay underheight.

Ayon kay Dr. Domiciano Talaboc, Municipal Nutrition Action Officer ng lungsod ng Polanco, kailangang pakainin ng mga nanay ang kanilang mga anak ng mga fortified food na sagana sa iron, iodine at vitamin A.

Sa pagbibili naman ng mga canned good o processed foods piliin ang may “Sangkap Pinoy” seals dahil ito ay nagtataglay ng mga essential vitamins at nutrients.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply