From Chinese, guwaping na German ang bagong papa ni Vina Morales

KAYA naman pala laging blooming si Vina Morales tuwing napapanood namin siya sa ASAP 2012 ay dahil may bago na palang labs ang singer-actress. Yes, kinumpirma mismo ni Vina na may bago siyang inspirasyon sa guesting niya sa Kris TV ni kris Aquino kung saan isa siya sa guests para sa tribute sa namayapang International Diva na si Whitney Houston.

Say pa nito kay Kris, isang German ang idine-date niya ngayon at 3 months na silang magkasama siyempre. For sure, dahil hunk ang dating ng bagong papa ni Vina ay tuluyan na nitong makalilimutan si Cedric Lee.

Dapat lang naman na i-let go na niya ang lalaking ito lalo na kung totoo ang chikang madalas siyang utangan nito ng milyones. Well, sana itong bago niyang karelasyong German boy ay malinis na ang intensiyon at talagang mahal siya. Hindi ‘yung gagamitin lang ang singer-actress dahil rich and famous ito. Huwag na huwag naman gyud!

***

Chris Tiu suklam sa bading?

HOW true? Galit at suklam raw sa bading itong si Chris Tiu. Minsan sa pictorial nito with Alex Gonzaga and Pretty Trizsa para sa bagong show nila sa TV5, nang lapitan daw ito ni Trizsa para landi-landiin, todo-iwas raw sa stand-up gay comedian ang hunk na TV personality. Naku naman, baka depende naman sa bading na lumalapit ha?

No offense meant to Trizsa, naturingang Pretty ang namesung nito pero wala naman siyang ganda teh. Hindi ba’t kitang-kita sa TV screen noong sumali siya sa Survivor Philippines na without make-up maton na maton ang dating niya at mukha siyang addictus?

Baka naman ang feel ni Papa Chris na lumapit sa kanya ay ‘yung hindi naman na bastusin na gay. Tinuod (totoo) gyud!

***

Gerald Anderson big asset ng MINT Clothing Company bilang new endorser

SA popularidad ngayon ni Gerald Anderson na lalo pang sumisikat dahil sa teleseryeng Budoy na gabi-gabing napanonood sa Kapamilya network, aba’y panalung-panalo ang MINT Clothing Company sa pagkuha sa kanya bilang bagong karagdagan nilang celebrity endorser.

Actually ayon pa sa owner ng MINT na si Ma’am Stella Sy, matagal na nilang gustong kunin ang serbisyo ni Gerald kaya lang marami pang committment ang actor at alam naman natin na nakakontrata ito sa isa ring sikat na clothing company. So, finally nang okey na ang lahat ay nagkasarahan na kaagad ng deal ang MINT with Gerald and his management company Star Magic.

Dalawa na sila ni Xian Lim na mga bagong clothing ambassador ng MINT na nagsi-celebrate ng kanilang 10th year sa fashion industry.

Taong 2002 nang mag-start sila ng kanilang first branch sa SM Southmall. Ngayon ay mayroon na silang 34 stores at bago matapos ang taong ito ay aabot na sa kanilang 40 company owned stores ang tinatangkilik nating MINT.

Sosyal ang brand na ito dahil ang sikat na couturier lang naman na si Pepsi Herrera ang designer ng kanilang mga clothing line.

Anyway, dahil sa good looks ni Gerald at image kung saan trendsetter sa mga youth ang actor, ang Spring at Summer ang siyang sinisimulan nitong iendorso ngayong 2012. Makabibili rin kayo ng mens and ladies watches rito with affordable price. Big asset si Gerald ng MINT at siguradong tataas pa ang sales nila sa market. Di ba naman, Ms. Thess Gubi of Star Magic?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply