Gab Valenciano hindi marespetong boyfriend!

DI NAMAN namin hate itong si Gab Valenciano pero aminado kaming hindi namin siya gaanong feel. Siguro nasanay na kasi kaming ang daddy Gary niya ang siyang nakatatak sa aming utak namin kasi matagal na kaming bilib sa talent ni Mr. Pure Energy. Ang hindi pa magandang balita na madalas makarating sa amin ay hindi diumano marespetong boyfriend itong si Gab. (Korek Ate! As in barubal! – Ed) As in masyado raw itong demanding at nanakal. Kaya nga kumalas sa kanya noon si Rachelle Ann Go kasi feeling nito one-sided lang ang relasyon nila ng dancer-singer. Ganito rin siguro ang naging kapalaran ni Nikki Gil sa piling ni Gab. Pero happy na ito ngayon dahil nakatagpo na siya ng lalaking magmamahal sa kanya sa katauhan ni Billy Crawford. Ang latest nakipag-break na rin pala itong si Isabel Oli kay Gab. For sure ‘yan din ang mga rason kung bakit nakipaghiwalay ang biyuting aktres na nakipagbalikan na raw sa ex ni Kris Aquino na si James Yap. If ever na true ang mga akusasyong ito kay Gab, aba’y dapat na magkaroon na sya ng lesson na ang babae, minamahal. Saka, bakit hindi niya gayahin ang kanyang Daddy Gary na mapagmahal at marespeto sa Mommy Angeli nila kaya hayun ilang dekada nang nagsasama bilang mag-asawa. Be man enough, gyud!

***

Biritera star Roseanne Magan susunod sa yapak ng mga pinasikat na child stars ng GMA7

HINDI lang kami ang nadala at naluha sa press launch ng pinakabagong musical-drama teleserye ng GMA7 na Biritera na pinagbibidahan ng bagong tuklas na child star ng Kapuso network na si Roseanne Magan. Yes, habang kumakanta ng OPM birit song itong si Roseanne, maliban sa ilang beses siyang pinapalakpakan ng mga invited press na kinabibilangan namin ni BFFT Pete A., di rin namin napigilan ang ma-touch at mapaluha lalo na nu’ng handugan ni Dennis Trillo ng hit song noon ni Ted Ito na Maghintay Ka.

Lamang ang bagets na gumaganap na kanyang kapatid sa serye. Nangilid talaga ang luha ng bagong biritera (Roseanne). At kung ibabase natin ang magandang reactions na ito ng press tiyak na sure hit na ang newest teleserye na ito ng GMA7 na mapapanood na sa Telebabad Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras.

Maliban kina Roseanne at Dennis na ginagampanan ang role ni Andrei na vocalist at lyricist ng bandang The Bridge, kasama rin sa casts sina Glaiza de Castro bilang si Mikaela, Angelika dela Cruz (Remy), Rich Asuncion (JO), Ryan Eigenmann (Mr. D), Neil Sese (Eric), Gwen Zamora (Kris), Ces Quesada bilang si Simang at marami pang iba. Subaybayan ang kuwento ng magkapatid na Andrei at Roseanne na nagkawalay noong malilit pa lang.

Sa tunay na buhay, siya si Jinky Magan pero okey sa kanya ang screen name na ibinigay sa kanya ng Kapuso. Nine years old siya at turning 10 yrs old sa February 22. Pinakasamayang birhday ito ng nasabing child star na kaya napili ng director nila sa Biritera na si Maryo J. delos Reyes na maging title roler sa rami ng nag-audition ay dahil sa kanyang talent sa pagkanta at expressive eyes na mala young Nora Aunor. Hindi mabibigo ang GMA sa batang ito na malayo ang mararating ng career. Ka-join rin sa casts ng Biritera sina Ken Chan, orlando Sol, Keil Rodriguez, Nomer Limatog, Jamaika Olivarez, Barbara Miguel, Kim Komatsu, Hiro Magalona, Patricia Ysmael, Scarlet at Sweet Ramos bilang si Barbie na mahigpit na makatutunggali ni Roseanna sa biritan.

Ang Biritera ay mula sa original story ni Agnes Gagelonia-Uligan at mula sa creative supervision ng creative director na si Jun Lana, Jake Tordesillas (creative head), Richard Cruz (creative consultant). Good luck gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply