Gab Valenciano may biktima na naman

BAGO natapos ang Ikaw Lang Ang Mamahalin ay saka pa lumabas ang isyu ng pagwo-walk out ni Barbie Forteza sa sariling serye. May attitude, primadonna at feeling superstar.

Totoo raw naman na umalis sila sa set na may eksenang hindi pa nakukunan, pero ayon sa kuwento ng ina ni Barbie…

“Kasi po, may flight po kami kasi may out-of-town show. Kaya bago pa po ang taping na yun, nagsabi na kami na kung puwede ay pakawalan kami ng twelve midnight. Nag-agree naman po ang production ng ILAM.

“Kaya lang po, ang nangyari, twelve-thirty na, hindi pa nakukunan yung natitira pa na eksena, kaya umalis na kami. Kahit naman po yung taga-production, sinabi sa amin na puwede na kaming umalis.

“Kasi nga po, kung mahuhuli kami sa airport, maiiwan kami ng eroplano. Hindi naman kami hihintayin ng eroplano,” paliwanag ni Mommy Amy.

“Sa amin naman po, wala namang problema kung lumampas ng cut-off ang taping, kahit abutin ng umaga, okay lang po sa amin, kay Barbie. May mga pagkakataon naman po in the past na kahit may cut-off si Barbie at lumampas doon ang taping, hindi po kami nagrereklamo. Mababait naman po kasi ang mga nasa production ng ILAM, kaya kung medyo lumalampas kami sa cut-off na oras, wala pong problema sa amin.

“Nagkataon lang nga na may flight nga po papuntang Legaspi, na kung hindi po kami aalis sa set ng 12 midnight, mahuhuli na po si Barbie sa flight.

Sumulpot din ang isyu na galit na galit kay Barbie ang direktor ng kanilang drama series na si Dick Lindayag, na sinigaw –sigawan diumano ang young actress nang makita sa sumunod na taping nila.

“Hindi po totoo iyon,” mabilis na sinabi ng mommy ni Barbie. “Hindi po totoo na sinigawan or pinagalitan siya ni direk. Tinanong ko nga po si Barbie, kasi may tsismis ngang ganun, pero hindi naman po totoo. Noong nagkita na po ulit sila sa taping, maayos po ang pakitungo ni direk sa kanya. Hindi niya po sinigawan o pinagalitan.”

‘Yun na!

-0o0-

Pinabulaanan ni Gab Valenciano na walang kinalaman si Coleen Garcia sa break up nila ni Isabel Oli sa presscon ng Sarah G Live na magsisimula sa Pebrero 26 (Linggo), pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

“No way, not at all!. I really wanna clear that up. Kung pwede nga lang tumayo ako sa Luneta Grandstand and sumigaw. She was not and there’s nobody… Nobody was the reason why we broke up.

“She’s (Coleen) actually one of the reasons na nagsasabi sa akin to ‘fight for it, pwede pa ‘yan.'”

Pinanindigan din niya na walang malisya ang pagkakaibigan nila ni Coleen.

Dahil sa pagiging close nila ng dalaga, tinanong tuloy namin kung ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa.

“Well, I treasure her. She’s a good friend,” aniya.

Tsuk!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply