Gamot sa ospital sa Guihulngan kapos na

KAPOS na ngayon sa gamot ang ospital sa Guihulngan City, Negros Oriental para sa mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol na tumama kahapon (Pebrero 6).

Bukod dito, puno na at nagsisiksikan ang mga pasyente.

Sa katunayan, naiulat na hindi na kaya ng pasilidad ng pagamutan ang mga isinusugod na pasyente doon.

Dahil dito, karamihan sa mga pasyente ay pinapahiga na lang sa sahig habang ang iba ay sa damuhan na lang sa labas ng ospital. Naglagay ang mga tauhan ng pagamutan ng foam sa sahig upang doon magamot ang mga pasyente.

Karamihan sa mga isinugod na pasyente ay pawang nagtamo ng sugat matapos tamaan ng mga debris mula sa mga gumuhong gusali.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply