Ganda ni misis burado sa asido ng selosong mister

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng isang misis sa kanyang mister matapos siyang lapnusin sa mukha ng asido dahil sa labis na selos sa Kidapawan City sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Kasong serious physical injuries, physical at psychological abuses sa ilalim ng Republic Act 9262 ang ikinasa ng misis na itinago sa pangalang Mildred sa kanyang mister.

Bukod sa sugat sa mukha ay hindi na lumalabas ng bahay ang biktima dahil sa kahihiyan sa kanyang anyo.

Sa imbestigasyon, nabatid na nagawang lapnusin ng suspek ng asido sa mukha si Mildred sa hinalang may ibang lalaki ito sa kanyang pinapasukang trabaho na itinanggi naman ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply