Gang rape sa Masbate military camp pinabubusisi

NANAWAGAN ngayon ang isang militanteng solon na busisiing mabuti ang naiulat na pag-gang rape sa isang 21-anyos na dalaga sa loob mismo ng military camp sa Aroroy, Masbate.

Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Luz Ilagan, halos lahat ng miyembro ng 9th Infantry Batallion ang itinuturong gumahasa sa biktima.

Naganap umano ang gang rape noong Huwebes ng gabi nang i-text ni Corporal Gilbert Quinto ang biktima na inayang makipagkita sa kanya sa loob ng kampo ng army sa Barangay Puro sa Aroroy.

Pinakain umano ng mga sundalo ang biktima at pinaiinom ng alak at pagkatapos ay ginahasa ni Quinto at anim pang lalaki na lango rin sa alak.

Binigyang diin ni Ilagan na kailangang madaliin ang nasabing kaso dahil sangkot dito ang mga sundalo at batay sa Konstitusyon, sila ang dapat na nagtatanggol sa mga sibilyan.

Ani Ilagan, handa ang Gabriela na suportahan ang biktima upang makamit nito ang hustisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply