Gas explosion sa Russia: 10 utas, 12 sugatan

NAILIBING nang buhay ang sampu katao habang nasugatan naman ang 12 iba pa nang gumuho ang bahagi ng siyam na palapag na apartment sa Astrakhan, Russia dahil sa naganap na gas explosion.

Mismong si Russian Prime Minister Vladimir Putin na muling kumakandidato sa darating na Lunes ay sumugod kaagad sa lugar upang tignan ang lokasyon ng insidente.

Agad na ipinag-utos ni Putin sa awtoridad na hanapan ng mapaglilipatan ang iba pang nakatira sa gusali na natatakot na gumuho ang buong apartment.

Sinuspinde rin ni Putin ang mga opisyal ng gas company habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply