Ginang lumaklak ng silver cleaner, tigok

TIGOK ang isang ginang matapos lumaklak ng silver cleaning solution sa Navotas kagabi (Huwebes, Pebrero 2).

Patay na nang makita si Lualhati Dela Cruz, 39 at residente ng Oliveros St., San Roque ng lungsod.

Ayon sa asawa ng biktima na si Marlon, 39, inabutan pa niya ng P40,000 ang biktima bago siya umalis upang pumasok sa trabaho kahapon ng umaga.

Pag-uwi ni mister dakong alas-11:00 ng gabi, ay inabutan niyang wala nang buhay ang asawa habang nasa tabi ang botelya ng silver cleaner.

Agad na inireport ni Marlon sa pulisya ang pangyayari kung saan inaalam na ang dahilan kung bakit naglason ang biktima.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng ginang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply