GMA ‘di pa ‘physically fit’ para mailipat ng kulungan

NAGHAIN kahapon (Pebrero 6) ang abogado ni dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng karagdagang komento upang igiit na hindi pa handa ang kalusugan ng kanilang kliyente para mailipat ng piitan, sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ito ang kinumpirma ni Felda Domingo, legal researcher at tagapagsalita sa sala ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112 matapos ihabol ni Atty. Benjamin Santos ang supplemental comment, na karagdagan sa nauna na nilang komento noong Enero 24 kaugnay sa hirit ng taga-usig ng Commission on Elections (Comelec) na ilipat na sa regular na piitan ang dating Pangulong Arroyo mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan inilagay siya sa hospital arrest.

Nakasaad sa siyam-na-pahinang supplemental comment, hindi pa “physically fit” ang kanilang kliyente kaya’t hindi pa ito maaaring mailipat sa regular na piitan na siyang iginigiit ng taga-usig.

Nilinaw naman ni Domingo na hilaw pa ang inihaing karagdagang komento ng mga abogado ng dating Pangulo dahil may isinasagawa pang pagdinig ang hukuman hinggil dito.

Sa pagpapatuloy sa Huwebes (Pebrero 9) ng pagdinig kaugnay sa naturang mosyon, nakatakdang tumayo sa witness stand ang isa pang doktor ng VMMC na si Dr. Rafaelita Javier, ang namumuno sa Rehabilitation Center ng naturang pagamutan upang magbigay ng pahayag kaugnay sa lagay ng kalusugan ng dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply