GMA mananatili sa VMMC

KINATIGAN kanina ng Pasay City Region Trial court (RTC) ang mosyon ng abogado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na manatili ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa ginanap na pagdinig ng usapin sa Sala ni Judge Jesus Mupas ng Brach 112, naghain ng manifestation ang abogado ni Gng. Arroyo na si Atty. Benjamin Santos, para linawin sa prosecution linawin kung binabawi na ng korte ang paglilipat ng kulungan ng dating Pangulo.

Ayon naman sa tugon ni Atty. Esmeralda Lagra, legal head ng Comelec na kung sa tingin nila na kung kinakailangan pang magpagaling si Gng. Arroyo sa VMMC, ipauubaya na lamang nila sa korte ang desisyon.

Nilinaw pa ni Atty. Lagra, ang kanilang rekomendsyan ay ibinabase sa mga doktor ng VMMC.

Igiit ng doktor ng VMMC na si Dr. Antonio Sison na hindi pa handa ang kalusugan ng kanilang kliyente para mailipat ng piitan.

Nakasaad sa siyam na pahinang supplemental comment, hindi pa “physically fit” si Arroyo kaya’t hindi pa ito maaaring mailipat sa regular na piitan na siyang iginigiit ng taga-usig.

Nagbigay naman ng kondisyon si Atty. Lagra sa depensa na magbigay ng weekly medical report.

Gayunman sinabi ni Atty. Lagra na hindi nila iniuurong ang kanilang motion pero irereserba na lamang nila ito hanggang bumuti ang kondisyon ni Gng. Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply