GMA naghain ng not guilty plea

NAGHAIN kahapon ng “not guilty” plea ang dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa electoral sabotage case.
Dakong alas-7:48 ng umaga kahapon nang lumisan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Lungsod Quezon ang convoy ni GMA patungo sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).
Dumaan ng Monumento patungong Road 10 diretso sa Roxas Boulevard ang convoy ni GMA para makatakas sa bigat ng trapiko.
Ito ang unang pagkakataong lumabas ng VMMC si GMA na dalawang buwan nang naka-hospital arrest.
Nauna namang dumating sa Pasay RTC sina dating first gentleman Mike Arroyo at Ang Galing Pinoy Partylist Representative Mikey Arroyo pasado alas-8:00 ng umaga.
Mag-a-alas:8:38 naman nang dumating ang convoy ni Ginang Arroyo kung saan nakasakay siya sa puting coaster kasama ang anak na si Camarines Sur Representative Dato Arroyo.
Kasama rin ng dating pangulo ang kanyang tagapagsalitang si Elena Bautista-Horn.
Samantala, ano na naman kaya ang magiging reaksyon ng taumbayan sa isyung ito? Basahin.
***
kapag mayaman ka, lahat posible—Iknowall
***
Ito na naman pabalikbalik na tugtog, nakakasawa, ididiin at gamitin ang korte sa wala na namang basehan na reklamo. hakahaka na naman tayo ulit. Saan kaya tayo dalhin nito sa impyerno. Sino kaya ang makikinabang nito? panot?—Marvin
***
magkakasabwat yan Corona , Gloria, Garci , Abalos …..mandaraya ipapanalo tapos pag nakasuhan ipapawalang sala ….. tignan niyo suot ni Gloria puti parang innocente may neck brace pa halatang Pr stunt nanaman dami kasing tangang pinoy naniwala daw b na malala yung sakit ni gloria e mismo ung doctor nagsbi na hnd …..ay yay yay tatanga—Jhon Paul
***
Not guilty… “ANG KAPAL NG MUKHA” Pwede bang ipalabas uli sa TV yung paghingi nya ng sorry in front of national TV dahil sa “HELLO GARCI” scandal… Yung pag “I AM SORRY” nya na yun ay isa ng “napakalaking ebidensya” ng “PAG-AMIN” na hindi na dapat pang dumaan pa sa mahabang Impeachment Trial. Noon pa lang dapat nakakulong na sya!—Lili
***
“ I AM SORRY”….liit liit ng taong ito nakapasinungaling.—Pakbet
***
vendetta? ibig sabihin may ginawa syang kasalanan kay noynoy before. hoy gloria,mawalang galang na hindi bobo ang mga pilipino.mang-aagaw ka ng kapangyarihan hindi ka nman naging presidente dahil binoto ka ng tao eh kundi nandaya ka.hindi tanga ang taong bayan.—Ann Orcajada
***
isa lang nakikita ko sa Pilipinas ngayun, kuruption parin pagkatapos ni noyoy ang mangyayari, andaming kawatan p0ta.—MeedOodee
***
And who’s the one to plead guilty? if you are trying all possibilities to evade persecution in teh phils. the more you will not plead guilty..that’s foolish notion…i admire angelo reyes for doing harakiri..thats the most noble act he did in this country…but for GMA it’s “halasige” until her last spine standing…—Janna

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply