‘Not guilty plea’ ikinasa ni Gloria Arroyo

NAGPAHAYAG ng “not guilty plea” si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa ginanap na arraignment kaninang umaga sa sala ni Judge Jesus Mupas ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Eksaktong alas-8:40 ng umaga nang dumating si Gng. Arroyo sakay ng puting coaster kaagapay ang isang katutak na police escort na pumasok sa loob ng Pasay City Hall of Justice bilang paghahanda sa pagbasa ng sakdal kaugnay sa kasong electoral sabotage.

Samantala bigo naman ang supporters ni Gng. Arroyo na nakasuot ng puting t-shirt at walang kamuwang-muwang na dumating na ang convoy ni Gng. Arroyo sa Hall of Justice.

Naunang dumating sa Hall of Justice si Ang Galing Partylist Rep. Mikey Arroyo pero hindi na ito nagbigay ng anumang pahayag sa media. Johnny F. Arasga

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply