GMA pinayagang makadalo sa burol ni Iggy

PINAYAGAN na ng Pasay City Regional Trial Court na makadalo si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa burol ng namayapang bayaw na si Rep. Igancio “Iggy” Arroyo sa Marso 1.

Sa desisyon na ipinalabas ni Pasay City RTC Judge Branch 112 Jesus Mupas, pinayagang si Gng. Arroyo na makadalaw sa burol ng bayaw sa Marso 1, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 lamang ng hapon.

Dahil dito ipatatawag ng Pasay City Regional Trial Court ang mga police official na nakatalagang security detail ni Ginang Arroyo kaugnay sa seguridad nito.

Ayon sa tagapagsalita ng Pasay RTC Branch 112 na si Felda Domingo, hindi man dumating bukas (Pebrero 26) ang mga labi ni Iggy inaatasan ni Judge Mupas ang abogado ni Gng. Arroyo na maghain ng manifestation dalawang araw bago bumisita mula sa mismong arawng arrival ng araw ni Iggy mula sa London para sa kanyang seguridad.

Nakatakda namang bigyan ng kopya ang kampo ni Gng. Arroyo at Commission on Elections (Comelec) prosecution para sa naturang kautusan.

Nauna nang iginiit ni Comelec Lawyer Esmeralda Ladra, na mabigyan lamang ng tatlong oras ang dating Pangulo para sa burol ni Rep. Iggy sa La Vista, Quezon City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply